
PUNGLO NG KANAYUNAN
Pagsampa sa kanayunan...
Inakalang ika'y bahagi lamang ng buhay ng kabataan
na naghahanap ng kasagutan
kung bakit ang kahirapan
ay taglay ng mamamayan
Inakalang ika'y bahagi lamang ng buhay ng kabataan
na naghahanap ng kasagutan
kung bakit ang kahirapan
ay taglay ng mamamayan
.....Nagdesisyong maging hukbo
ng mamamayang lumalaban
sa kahirapan at karapatan
ng masang niyuyurakan
ng mamamayang lumalaban
sa kahirapan at karapatan
ng masang niyuyurakan
....Nagturo, nagbigay kalakasan
sa masang magsasaka at hukbong makabayan
naging gabay sa paglulunsad ng digmaan
na naging sandata sa pakikipaglaban
sa masang magsasaka at hukbong makabayan
naging gabay sa paglulunsad ng digmaan
na naging sandata sa pakikipaglaban
....Dinatnan ng pagsubok ng buhay
malalim, mahirap, marupok, mabuway
bumaba mula sa bundok, parang, gubat
subalit.....
malalim, mahirap, marupok, mabuway
bumaba mula sa bundok, parang, gubat
subalit.....
ang punglo ng kanayunan ay parang musika na naririnig, parang multo na dumaladalaw sa tuwina...
ang punglo ng kanayunan ay buhay hindi lamang sa alaala kungdi sa kasalukuyan...
ang punglo ng kanayunan ay umaalingawngaw sa tainga ng bawat aktibistang dinalaw mo at inampon mo sa ibat ibang panahon...
ang punglo ng kanayunan ay nasa dugo na namin, nananalaytay sa ugat, nakauok na sa aming isipan na kailanman hindi maiwawalay...
Babe Sandoval...damhin mo ang punglo ng kanayunan!
No comments:
Post a Comment