Monday, March 24, 2008

Morph

Jules 10 years ago

Jules at present





"Morph" pinaigsing salita ng metamorphosis..a complete change of form, structure, substance, character, appearance, etc., transformation, the marked change in some animals at a stage in their growth, eg chrysalis to butterfly.

Nagbago na ako? Ako nagbago? Paano? Bakit mo nasabi yan? Uy bakit nga?

Ewan ko ba..bakit sobra akong insecure sa sarili ko. Pag sinabing ang cute mo...heheh ehem...you are pretty huh...hehehe sasabihin ko, uy hindi naman..

Natatandaan ko may nagsabi din you're sexy Jules...aba nabigla ako ha, biro mo sa kabila ng mga birth bellies ko sinabihan pa akong sexy? katakatakataka. And he explained, youre sexy because u know how to carry yourself, sinabihan pa akong femme fatale, naloka ako..

Another person told me youre chic, ava sosyal ang lola mo ha, sabihan ba akong chic, nagpaliwanag naman sya na any dress na isuot ko kaya ko daw dalhin, di nya alam e ukay fashion talaga ang hilig ko..hahaha

But the most intriguing verb na sinabi sa akin ay Jules nag "morph" ka na..akala ko kung ano un? akala ko may kinalaman sa drugs o kaya tingin nya sa akin addict ako ha...pero nagets ko...nag morph ka na jules, "u have change"..

I must admit ive change... nagbago ako, sa pananaw, sa pisikal na anyo, sa pagiging tao, sa pagpili ng pananalita...nagbago ako kase sumabay ako sa daang bagay na patuloy na nagbabago..nagbago ako kase yun ang natural na proseso na dinadaanan ng lahat ng bagay dito sa mundo...nagbago ako sapagkat ninais kong palitan ang luma kong sarili..nagbago ako dahil ginusto kong magbago...sa anu mang kadahilanang sa ibat-ibang panahon..nagbago ako...nagbago ako dahil ito ang hinihingi ng pagkakataon..nagbago ako dahil natuto ako, mula sa mga bagay na naranasan ko masakit, masarap, maganda o pangit...nagbago ako dahil nilamon ng bagong katauhan ang luma na hindi na umaangkop sa nagbabagong panahon...

Pagbabago, spelling lang ang hindi nagbabago, pero ang buong esensya at katangian ng isang bagay ay nagbabago, walang permanente sa mundo ika nga ng mga matatalinong guro. Lahat ng bagay ay may simula ay may wakas, may bago at luma, may panimula at may katapusan.. Ang pagbabago ay nagmumuila sa kaibuturan ng isang bagay, bagamat may epekto ang external factors, mapagpasya pa rin sa pagbabago ang internal...yan ay ayon sa teorya ni Maxx hinggil sa pagbabago ng lipunan...

Sa tao ang pagbabago ay may dalawang anyo, pagbabago sa kapaki pakinabang at pagbabago sa kasiraan. Nasa atin pa din ang kapasyahan, kapasyahan maging matalino sa pagdedesisyon, desisyon na magiging bahagi ng ating buhay, desisyong malamang na pagsisihan natin habang panahon...nasa atin ang pagpapasya...


Pagbabago isang pasong salita subalit punong puno ng pag asa, sa tao, sa lipunan at sa sarili...















No comments: