Saturday, May 10, 2008

Do all mothers are happy?




Mother's Day na naman..isang taon na ulit ang lumipas, magkukumahog na naman ang mga anak sa pagbili ng regalo at bulaklak bilang simbolo ng kanilang pagmamahal sa kanilang nanay, maguunahan din ang mga anak sa pagbati ng Happy Mothers Day Mom!sa kanilang mga nanay...kikita na naman ang mga negosyante sa mga anik anik na abubot na binebenta sa kung saan-saan. Marami ang magsasalo salo sa restaurant..syempre yung may kayang gumastos o kaya'y nakapag ipon para sa araw ng mga Ina...



Do all mothers are happy on this day? Hmmm malamang..kase ang araw na ito ang nagpapatunay ng kadakilaan ng mga nanay sa kanilang mga anak at pamilya.... Hehehehe ang lalim nu...pero sa totoo lang maraming mga Ina ang malungkot...sa kadahilanang lugmok sila sa kahirapan, hindi mapakain ng maayos ang kanilang mga anak, hindi matustusan ang pag aaral ng kanilang mahal na mga supling..sa aming mga ina hindi lang basta natatapos ang pagiging ina sa oras na mailuwal namin ang aming mga anak...ang pagiging ina ay habang buhay..habang buhay...
Happy? oo sa isang banda, subalit nararamdaman din namin ang pangamba..sa sa oras na hindi na namin magampanan ang pagiging nanay at itakwil kami ng lipunan! Lipunan na syang dapat na tumutulong sa mga pamilyang Pilipino na manatiling buo at maayos na naitataguyod ang pamilya!


Malungkot...sa nakararaming pilipino..malamang ang nakararaming pilipino ay hindi na ipagdiwang ang Araw ng mga Ina..kundi ituring na lamang na ito'y simpleng araw ng gutom, hirap at pagtitiis sa ilalim ng sistemang walang walang pusong maka INA!




P.S Naiyak naman ako kanina, paggising ko hinalikan ako ng 3 kong mga anak..at ang eldest son ko..ginawan ako ng video..kakatuwa! ayan watch nyo...lol! http://youtube.com/watch?v=4eS...

Tuesday, March 25, 2008

punglo ng kanayunan



PUNGLO NG KANAYUNAN

Pagsampa sa kanayunan...
Inakalang ika'y bahagi lamang ng buhay ng kabataan
na naghahanap ng kasagutan
kung bakit ang kahirapan
ay taglay ng mamamayan

.....Nagdesisyong maging hukbo
ng mamamayang lumalaban
sa kahirapan at karapatan
ng masang niyuyurakan


....Nagturo, nagbigay kalakasan
sa masang magsasaka at hukbong makabayan
naging gabay sa paglulunsad ng digmaan
na naging sandata sa pakikipaglaban


....Dinatnan ng pagsubok ng buhay
malalim, mahirap, marupok, mabuway
bumaba mula sa bundok, parang, gubat
subalit.....


ang punglo ng kanayunan ay parang musika na naririnig, parang multo na dumaladalaw sa tuwina...


ang punglo ng kanayunan ay buhay hindi lamang sa alaala kungdi sa kasalukuyan...


ang punglo ng kanayunan ay umaalingawngaw sa tainga ng bawat aktibistang dinalaw mo at inampon mo sa ibat ibang panahon...


ang punglo ng kanayunan ay nasa dugo na namin, nananalaytay sa ugat, nakauok na sa aming isipan na kailanman hindi maiwawalay...

Babe Sandoval...damhin mo ang punglo ng kanayunan!

Monday, March 24, 2008

Love Is A State Of Mind


Love is a State of Mind!

Hmmmm, I have a lot of ideas crawling on my mind right now, with the romantic song playing from James Ingram...Theres No Easy Way To Break Somebody's Heart..I am thinking to say or expound the discussion about "Love" which is a complicated thing to discuss or Id rather say its all depends to the people who feel Love or Loved. Depending on how she/he perceived "Love" perse.

Sigh...I can boldly say that "LOVE" for me is a "State of Mind". Well you cannot say youre inlove unless u feel it..you take the action just to satisfy your self, just to indulge things that might tells you that Wow! this is the feeling! Even though it might hurt you in the process nor gives you the trembling feeling of euphoria. You choose to feel that way, depending on your state of mind!
Some people say that love can make you crazy! Do the things you cannot imagine you can actually do but you've done it because of the "State of Mind" you feel when you are in love!

Craziness is a relative thing. Of course If people do something that is so martyr and their actions might incriminate them, or tag them as stupid for doing things for their partner because of the "LOVE" thing...Well welcome to the club of Hopeless Romantic people..

We cannot blame people do such things, because of the "State of Mind", that they think they have to do something good/bad for the people they love, they choose it anyway...People always have a choice! To do something or do nothing at all...Its all a "State of Mind".

Loving someone is a choice..And to be able to make a choice, people undergo to the process of thinking, reasoning, practice whether they have to be inlove or not!

People who chooses to be inlove eventhough in a "not so accepted kind of love by a society" ( meaning falling in love at the wrong time, wrong person, or everything was wrong..lols!) but pursues the "LOVE" thing...well Welcome to the You and Me Against the World norms...They are the people who painstakinly accepts that they have to gamble things for the sake of "LOVE" even though it may crash their world apart!

On the other side, people who chooses not to fall in, or not to gamble or to trifle or go with the process of tasting the sweet aroma of temptation...and not to try a bit of their indulgence..Good on yah people! You have just save a space on heaven! ( but you can only claimed it when u are physically dead, huh! what would the atheist say about this? lols!)

At the end of everything we are what we are.. We can be what we wanted to be, we can pretend what we want to see others about us..But ill tell you...we cannot lie to ourselves! WE can fool some of the people at a time, fool people at the same time, but we cannot fool all of the people all the time!

At some point, you have to make a decision. Boundaries don't keep other people out. They fence you in. Life is messy. That's how we're made. So, you can waste your lives drawing lines. Or you can live your life crossing them. But there are some lines... that are way too dangerous to cross.
The thing is..it is very important that we accept things..and to be able to accept things..we have to study, evaluate, ponder, think....We always have to come to a decision..and the decision will only come from an individual...and the decision is the process of a thing called "STATE OF MIND"...

Fantasy ...my fantasy


Fantasy...my fantasy...


A fantasy is an imagination or fancy; esp., wild, visionary fancy, an unnatural or bizarre mental image; illusion; phantasm, an odd notion; whim; caprice...
Living in a world where there are many things to do, for yourself and for others, especially for the life you wanted to achieved. Its not easy to take the road of success..for i know that being successful is a relative thing..


Lekat ang hirap magesplika sa henglish! Wala lang akong magawa kaya pinagtyatagaan kong sumulat ng aking blog..Mabuti din to ng nahahasa naman ang kinakalawang kong utak!
Pantasya? Kakaiba ito sa mga napapanood natin sa telebisyon o pelikula. Kakaiba ito sa kwento ng babaeng inaapi at iniligtas ng prinsipe na hulog mula sa langit! Kakaiba ito sa mga paniniwalang nagaganap ang mga bagay sa tulong ng ibang tao. Mga bagay na natutupad kung ikaw ay simpleng may paniniwala lamang...Hindi ganito ang labanan sa buhay. Ang buhay ay hindi kalangitan araw araw... Hindi rin naman imperyo sa kadalasan, pero ang buhay ay buhay hindi pantasya... Ito ay reyalidad na ang mga nagaganap ay totoo, hindi peke, hindi kathang isip..


Pantasya? Minsan masarap kang gawing takbuhan kapag malala na ang kalagayang pag-iisip, pagod na sa reyalidad ng buhay. Pagod na sa mga sakit ng katawan. Pagod na sa pagsubok ng sitwasyon...Pantasya..mainam na gawin sa pansamantalang pagtigil ng partisipasyon ko sa indayog ng buhay...hanggang kelan? hanggang saan?


The fantasy is simple. Pleasure is good. And twice as much pleasure is better. That pain is bad. And no pain is better. But the reality is different. The reality is that pain is there to tell us something. And there is only so much pleasure we can take without getting a stomachache. And maybe that's okay. Maybe some fantasies are only supposed to live in our dreams....line from Grey's Anatomy

pag-ibig ba ang ginagamit ng umiibig?




pag ibig ba ang ginagamit ng umiibig?.


sa aking isipan akoy naguguluhan

sa mga katagang aking bibitawan

labis ang aking katakhan

sa mga nagaganap sa aking isipan

pinipilit kong maging makabuluhan ang mga sulatin

aking tatanganan subalit ano mang pilit kong subukan

nananatiling malamlam ang aking isipan

pag ibig ba ang ginagamit ng umiibig?

inaabuso

pinawawalang bahala

iwinawaksi

sinasamantala

kinakalinga

pinagtutuunan ng pansin...


sana hindi na mahirap ipaliwanag

ang kasagutan sa aking hinahanap

mga tanong na galing sa pusong may pangarap

na maangkin ka at maging katuparang ganap...

Lines from Grey's Anatomy About Pain




Lines from Grey's Anatomy About Pain...




Maybe we like the pain. Maybe we're wired that way. Because without it, I don't know; maybe we just wouldn't feel real. What's that saying? Why do I keep hitting myself with a hammer? Because it feels so good when I stop.


Pain, you just have to ride it out, hope it goes away on its own, hope the wound that caused it heals. There are no solutions, no easy answers, you just breath deep and wait for it to subside. Most of the time pain can be managed but sometimes the pain gets you where you least expect it. Hits way below the belt and doesn't let up. Pain, you just have to fight through, because the truth is you can't outrun it and life always makes more


Maybe we're not supposed to be happy. Maybe gratitude has nothing to do with joy. Maybe being grateful means recognizing what you have for what it is. Appreciating small victories. Admiring the struggle it takes simply to be human. Maybe we're thankful for the familiar things we know. And maybe we're thankful for the things we'll never know. At the end of the day, the fact that we have the courage to still be standing is reason enough to celebrate.

Luha




Luha...


Im sad...so sad...nagkita kami ng bestfriend ko last Sunday..sa church...nakita ko syang masaya, medyo tumaba, nakapula pa ang bruha...lumapit ako..nginitian nya ako..sabi nya kamusta ka na? Sabi ko ikaw ang kamusta na?


Sandali syang nanahimik...sabi nya Jules, can we talk later? Sabi ko sure!..Nakinig kami sa sermon, the speaker is talking about woman in the bible, ano ang naging partisipasyon ng babae sa buhay ng mga tauhan sa bibliya...Si Maria, Mirriam, Ruth, Ester etc etc..iba-iba ang naging buhay nila, iba-iba din ang impluwensya nila sa buhay ng mga tao noong kani-kanilang panahon na isinasaad sa bibliya...Nanahimik ako..nag-isip..Ano nga ba ang impluwensya ko sa buhay ng mga taong malapit sa akin? Ano ba ang naging partisipasyon ko upang maging kasangkapan ng pagbabago? Ano ba ang ginagawa ko upang magbago? bigla akong nanahimik...


Si Ate Connie kung sya ay tawagin, malakas, puno ng buhay, maasikaso, mabait, mataray kung minsan (wag mo lang syang babanatan ng parang bossy ka hehehe malilintikan ka ng taray nya!) matulungin..( as in sobrang matulungin!) kulang na lang na ibigay nya pati panty nya! hahaha! Si Ate Connie, madalas mong makikita sa tindahan nya, sa church, sa Divisoria, sa kalye..lakad dito, lakad dun, parang hindi napapagod, sobrang masipag at grabe ang dedikasyon sa pamilya, negosyo at kapwa..


Buhay sa aking isipan ang pagiging matulungin nya, sya ang dahilan kung bakit nanatili akong nasa "maayos kong kaisipan" sya ang sandalan ko at sandigan noong panahon na wala ako sa reyalidad ng buhay, wala ako sa hulog ika nga, wala ako sa kakayahang dalhin ang pagsubok na dumating sa buhay ko..mabigat..masaklap..mapait...


Siya yung tao na ang pagdarasal ay kaakibat ng pagdadala ng sarili, ng suliranin, ng pagsubok...tinuruan nya akong magdasal at manampalataya batay sa kung ano ang hindi ko kayang gawin..isigaw mo lang sa Kanya..di mo man makita ang kasagutan agad..sa pagdating ng panahon..mararamdaman mo..makikita mo..Tinuruan nya akong manampalataya at kumilos..Harapin ang hambalos ng pagsubok..at maging matatag na harapin kung ano man ang responsibilidad...


Natapos ang sermon, nakipag batian sumandali sa mga kakilala at umalis na kami ng simbahan. Pumunta kami ni Ate Connie sa bahay nya... Nagsimula na siyang magkwento... Jules sambit nya, mahinang mahina ang katawan ko noong nakaraang linggo.. may mabigat akong karamdaman... katahimikan...mabibigat ang mga terminong sinambit nya, hindi ko mabigkas potek ang lalalim na scientific terms e, basta ang nauunawaan ko may sakit sya sa kidney! At may kalalaan, 3rd stage of deterioration....


Hindi ako nagpakita ng takot sa kanyang kalagayan, ng pag aalala, ng pagiyak, pigil na pigil ko ang aking emosyon ng sandaling iyon.. pinilit kong pinakakalma ang sitwasyon, at gaya ng pagkakakilala nya sa akin, na laging nagpapatawa at lagi siyang pinangingiti yun pa rin ang nakita nyang Jules sa kanyang harapan. nagpapatawa at humahagikgik naman sya ng tawa sa mga baduy na jokes ko na may kasamang pag aarte ng mukha.


Pagkatapos ng dalawang oras nagpaalam na ako...pagbaba ko ng hagdan ng kanyang bahay, tumulo ang luha ko...ang hirap pala pigilan ang emosyon na kanina ko pa pinipigil na wag sumambulat. Mahirap ang emosyon na tinatago..mahirap ang emosyong hindi ipinapakita...iniyak ko..ang lahat-lahat ng emosyong kinimkim ko...ang sakit...ang sakit-sakit isipin na ang matalik mong kaibigan ay may malalang karamdaman...na hindi ko masalo ang sakit na nararamdaman nya, hindi maibabahagi ang sakit sa katawan na dulot ng sakit..na sya at tanging siya lamang ang maaring magdala, makaramdam, magsakripisyo at magdusa.


Walang isang salita na makakapaglarawan sa emosyon na nararamdaman ko ngayon..umiiyak ako..(bakit nga ba pag overpain o overjoy ka pagiyak ang tangi mong nagagawa?) iyak ng iyak...alam ko naman na pagkatapos ng pagiyak at pagtulo ng sipon ay matatapos na panandali ang sakit..Maya-maya makararamdam ng gutom at pagkapagod, at gagawin mo ang sinasabi ng katawan mong hoy! kumain ka na o di kaya'y matulog ka na!


Bakit nga ba kapag nakararamdam ka ng sakit ay ang hirap hirap huminga, feeling ko para akong mamatay, para akong nauupos..pero pagiyak pa rin ang nakakapagpaluwag ng kalooban ko...Bakit nga ba sa tuwing nakararamdam ng pagkalungkot, pag-aalala, pagkatakot ay luha ang lumalabas sa aking mga mata?


Siguro nga dapat parangalan ang taong umimbento ng pagiyak! O Diyos ba ang lumikha nito? Dapat syang parangalan dahil naisip nya na ang pagiyak ay naging sandata ng tao "to cope up the pain"! Para sa ekspresyong ng sobrang sakit o sobrang tuwang emosyon ay nailalabas ito...Isama mo na ang sabay na pagtulo ng sipon..


Siguro nga dahil sa mga luhang ito pansamantalang naiibsab ang sobrang sakit na nararamdaman ko, siguro kung dugo ang mga luhang tumutulo sa aking mga mata matagal na akong namatay! Hindi lang balde baldeng luha...drum-drum pa...


Salamat sa mga luha..salamat sa umimbento ng luha, salamat sa mga taong dahilan ng pagluha, sa mga bagay na naging dahilan ng pagluha. Salamat sa panahon na ako'y lumuluha ay may panyo akong dala. Salamat sa nakaimbento ng tissue na kapag basang basa na ang panyong dala ay may kapalit na pamahid sa mata...Salamat sa luha dahil panandaliang nakakapayapa ng damdaming masakit, masaklap...Salamat..salamat luha..