Saturday, May 10, 2008

Do all mothers are happy?




Mother's Day na naman..isang taon na ulit ang lumipas, magkukumahog na naman ang mga anak sa pagbili ng regalo at bulaklak bilang simbolo ng kanilang pagmamahal sa kanilang nanay, maguunahan din ang mga anak sa pagbati ng Happy Mothers Day Mom!sa kanilang mga nanay...kikita na naman ang mga negosyante sa mga anik anik na abubot na binebenta sa kung saan-saan. Marami ang magsasalo salo sa restaurant..syempre yung may kayang gumastos o kaya'y nakapag ipon para sa araw ng mga Ina...



Do all mothers are happy on this day? Hmmm malamang..kase ang araw na ito ang nagpapatunay ng kadakilaan ng mga nanay sa kanilang mga anak at pamilya.... Hehehehe ang lalim nu...pero sa totoo lang maraming mga Ina ang malungkot...sa kadahilanang lugmok sila sa kahirapan, hindi mapakain ng maayos ang kanilang mga anak, hindi matustusan ang pag aaral ng kanilang mahal na mga supling..sa aming mga ina hindi lang basta natatapos ang pagiging ina sa oras na mailuwal namin ang aming mga anak...ang pagiging ina ay habang buhay..habang buhay...
Happy? oo sa isang banda, subalit nararamdaman din namin ang pangamba..sa sa oras na hindi na namin magampanan ang pagiging nanay at itakwil kami ng lipunan! Lipunan na syang dapat na tumutulong sa mga pamilyang Pilipino na manatiling buo at maayos na naitataguyod ang pamilya!


Malungkot...sa nakararaming pilipino..malamang ang nakararaming pilipino ay hindi na ipagdiwang ang Araw ng mga Ina..kundi ituring na lamang na ito'y simpleng araw ng gutom, hirap at pagtitiis sa ilalim ng sistemang walang walang pusong maka INA!




P.S Naiyak naman ako kanina, paggising ko hinalikan ako ng 3 kong mga anak..at ang eldest son ko..ginawan ako ng video..kakatuwa! ayan watch nyo...lol! http://youtube.com/watch?v=4eS...